You are vistor #...
cnipag @ Friday, October 06, 2006
Parental Wisdom - Filipino Style
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mumunti ngunit ginintuang butil na payo na nakuha ko sa aking mga magulang.

1. Si Inay, tinuruan niya ako HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE :
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas! Mga leche kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

2. Natuto ako ng RELIGION kay Itay:
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

3.Kay Inay ako natuto ng LOGIC :
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

4. At kay Inay pa rin ako natuto ng MORE LOGIC:
"Pag ikaw nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang manonood ng sine."

5. Si Inay din ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sabihin ng IRONY :
"Sige ngumalngal ka pa at bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

6. Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM :
"Tingnan mo nga yang dumi sa likod ng leeg mo, tingnan mo!!!"

7. Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng STAMINA:
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo nauubos lahat ng pagkain mo!"

8. At si Inay ang nagturo sa amin kung ano ang WEATHER:
"Lintek talaga kayo, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng bagyo!"

9. Ganito ang paliwanag sa akin ni Inay tungkol sa CIRCLE OF LIFE :
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

10. Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION:
" Tumigil ka nga diyan! Huwag kang umarte na parang Nanay mo!"

11. Si Inay naman ang nagturo kung anong ibig sabihin ng GENETICS:
" Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya!"

12. Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng ENVY :
"Maraming mga batang ulila sa magulang. Di ba kayo nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?"

13. Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION :
"Sige kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay!"

14. At si Itay pa rin ang nagturo kay Kuya kung anong ibig sabihin ng RECEIVING:
"Uupakan kita pagdating natin sa bahay!"

15. Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang HUMOR :
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawnmower, wag na wag kang tatakbo sa akin at lulumpuhin kita! "

16. At ang pinakamahalaga sa lahat, natutunan ko kina Inay at Itay kung ano ang JUSTICE : "Balang araw magkakaroon ka rin ng anak...tiyak magiging katulad mo at magiging sakit din sa ulo!"





HAHA... natawa ako dun sa contortionism part. naalala ko tuloy ung cnabi nung isa, "ung kabataan nuon, kabataan ngaun, kabataan bukas, parepareho lng din yan eh.parehong kabataan. ang problema lng, kpag ung matatanda, eh cnasabing cla lagi ang tama, tpos."
hmm..something like that. eh kasi nman, ung iba, parang nde nagdaan sa pagkabata. although totoong mas marami na clang napagdaanan, hindi ibig sabihin na lahat ay alam n nla. dhel ang iba, nde nman tlga natuto.
hmm.. nde nman ibig sabihin na pag tumanda,eh iiwan na ang childhood. katulad nga nung nakasulat dun sa marikina sports center...."we don't stop playing because we grow old, we grow old because we stop playing"
.......eh ano nga nman kung magtaya tayaan tyo..
haha. wateber.

---------------------------------------------- ------------------------------------------- cnipag @ Thursday, October 05, 2006
ayan puro mga papa tuloy ang nsa display image ko..haha.
c don at jay..
jay=pangarap..o.O

hmmm..aus lng..wla nman nasisirang pagaaral sa ngaun. haha.
papangarap lng nman eh.

---------------------------------------------- -------------------------------------------
naks..cnipag...
kya lng..may problema nnman...bket nde lumalabas ung mga links atbp.
chaka ung gumagalaw sa baba.
oh well... tska nlng kpag cnipag uli ako.
[at kelan nman kya un]

---------------------------------------------- -------------------------------------------

*ako si anghelica*
adopt your own virtual pet!



My words
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
July 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006

Exits

_*mga manyak pero lab ko na bebots*_

jhumhee - mareedur - siey -
Credits
li0nheart
fullmoongraphics